November 23, 2025
PSU Evaluation Procedure
BIT-FSM Details
Expanded DH Assistance for PSU ETEEAP
Aligned Program ng PSU ETEEAP para sa mga DH at Caregiver
PSU ETEEAP DH Aligned Program
PSU ETEEAP DH Assistance
ETEEAP Evaluation Procedure
ETEEAP Documents Preparation Assistance
PSU ETEEAP DH Aligned Program
Protected: PSU ETEEAP DH Assistance
ETEEAP
Philippines

Aligned Program ng PSU ETEEAP para sa mga DH at Caregiver

Share this page

Ang page na ito ay exclusive para sa mga Domestic Helpers (DH) at Caregiver na hindi ma-qualify sa mga degree program ng ETEEAP dahil wala silang ibang work experience bago sila mag-DH o mag-Caregiver.

Bago kayo pumatol sa mga hindi siguradong inaalok sa inyo (at baka ma-scam pa kayo) may isang program sa Pangasinan State University-Asingan Campus na pwedeng akma sa inyo.

Ang PSU-Asingan ay isang state university (government university) kaya nakasisiguro kayo na legitimate ito at kinikilala sa ibang bansa.




Frequently Asked Questions (FAQs) from DH and Caregivers

Q: Pwede bang mag-apply sa ibang degree program ang isang DH o caregiver?
A: Pwede kung may ibang trabaho siya sa ibang field bago maging DH na pwedeng ma-align sa mga inaalok na college degree program sa ETEEAP. Ngunit kailangan pa rin na limang taon o mahigit na trabaho niya ito at kompleto siya ng supporting documents at iba pang mga requirement sa ETEEAP.

Q: Paano kung yan ang gusto ko (BSBA or Education Degree), dahil yan talaga ang pangarap ko?
A: Ang ETEEAP ay HINDI YUNG GUSTO mong degree, kundi kung ano ang aligned na program sa trabaho mo. Maliban kung nagkataon na yung gusto mong degree ang aligned sa trabaho mo. Pero kung hindi at gusto mo talaga yung hindi aligned ay isa lang ang pwede mong gawin. Mag-enroll sa school na mayroon niyan sa regular program nila, yung 4 years na kunkunin na pwedeng online, hybrid modular-online o face-to-face. Huwag kang mag-enroll sa mga school na nagsasabing pwede kang makatapos ng less than 6 months na parang ETEEAP din pero hindi siya ETEEAP. Scam yan at baka kakutyaba ng school at yung ahente.


Share this page